Mom House Rent - P1,500 x 2 = P 3,000
Electricity - P 400 x 2 = P 800.00
Water - P 400 x 2 = P 800.00
Extra Money - P 500 x 2 = P1000,00
________
P 5,600.00 - Mandatory for Mom
Bank Savings for the almost 100K goal - P 5,000
Time Remaining - 8 months and 2 weeks
_________________________________________________________________________
Sa nakita kong takbo ng pamumuhay doon sa loteng iyon ay nagbabalak akong ibenta ito, simple lamang ang plano ko matapos ko itong ipagbili ay ipapatago ko sa aking kapatid ang pera upang hindi ito magalaw sa mga bagay na hindi naman mahalaga at hahanap na lamang ako ng lupang maaring bilhin sa halagang halos kapareha ng halaga ng lupa naming iyon.
Inaamin kong halos malayo sa katotohanan ang gusto kong maabot sa paggawa ko ng blog na ito sapagkat halos wala na ding matitira para sa aking sarili. Ang maganda dito'y may mga bagay kaming maaring pagkunan ng salapi bukod pa sa aming buwanang sasahurin, naroong kapag hindi ka lumiliban sa trabaho ay may karampatang salapi na ayon na din sa aming kontratang pinirmahan.
Umaasa ako na sa susunod kong sahod ay mas malalakihan ko pa ang ipon ko sa banko upang ng sa gayon ay kaunti na lamang ang tulong na aking hihingin mula sa aking kapatid at ng sa magkaroon na din ng maayos na bahay at lupa ang aking ina.
100K for Mom in 270 days
Sunday, June 12, 2011
Sunday, May 29, 2011
Bahay at Lupa (Pangalawang Salaysay)
Isang dapit hapon habang ako at ang aking ina ay namamasyal sa isang "mall" ay napahinto kami sa "chowking" tag-araw na noon at lubhang napakainit sa aming lugar, noong mga panahong iyon ay ang aming lungsod ang naitalang pinaka mainit sa buong Pilipinas ayon kay kris aquino na isang "host" sa kasagsagan ng kanyang "game show" na "game ka na ba". Hinding hindi ko makakalimutan ang oras na iyon dahil isa yon sa mga bagay na hindi ko magawang ialis sa aking isipan magpa hanggang ngayon. Tinanong ako ng aking ina kung gusto kong kumain ng halo halo, napaisip ako bigla dahil sa pagkakaintindi ko ay wala naman kaming sobrang pera para ipambili ng halo halo, tinanung nya ako kung magkano ang isa nito at sinabi ko na mahal dahil noon ay mahal pa talaga iyon, sabi nya ay hati nalang daw kami sa isang maliit ngunit tumanggi ako.
Nabanaag ko sa mukha nya na gustong gusto nyang kumain nito, subalit sa kawalan na din siguro ng pera ay hindi nalang nya tinangkang bumili.
Ngunit matagal tagal na din ang pangyayaring ito, dahil ng ako'y magka trabaho ay palagi na kaming lumalabas
na kahit anung mahal ng pagkain ay hindi ako nag dadalawang isip na bilhin ito para sa kanya.
May lupa na nabili ang aking ama't ina sa may gawing tramo sa isang lugar doon na malapit sa isang eksklusibong sabdibisyon sa aming nayon, sa pagkakaalam ko ay mura lang nila itong nabili dahil noong mga panahon yon ay mura lang naman talaga ang lupa kaya nila ito sinamantala. Tinayuan nila ito ng isang sementong bahay ngunit para sa akin ay hindi pa ito maaring tawaging isang bahay, hindi pa kasi kumpleto dahilan na din sa kawalan ng salapi ay hindi ito natapos, balangkas palang, walang pinto at bintana at ang bubungan nito'y hiningi lamang namin sa isa kong tiya na may tindahan ng mga bagay na panggawa ng bahay.
Hindi kami dito tumira dahil na din sa hindi pa ito tapos at sa aking palagay ay hindi ko kayang makatagal sa kapaligiran ng bahay na ito. Madaming mga nagmumura, nagaaway at kung anu ano pa sa umaga at kahit papatapos na ang araw madami paring mga naglalasingan at mga nagsusuka sa kalsada, sa makatwid puro mga "squatters" ang mga nakatira dito. Ang bunsong kapatid ng aking ina ang kayang pinatao pansamantala upang may tumingin sa bahay at sa lupa namin.
Dumaan ang mahabang panahon at nawala na isa isa ang mga bagay na naroroon ang mga yero'y butas butas na at ang bahay ay animong binagyo sa kinalabasan ng itsura nito ngayon. Namatay ang aking tiyuhin noong nakaraang buwan kaya wala ng tumitingin sa lupa at bahay na ito sa ngayon. Hindi kami malapit sa isat isa ng aking tiyuhin kayat aaminin kong wala akong naramdamang kahit na anung lungkot ng sya'y mawala, ang mga ala ala ko lang ay puro's mga bagay na hindi magaganda dahil ito raw ay lasinggero at nananakit ng asawa kaya sya nito hiniwalayan, sa makatwid ay nabuhay sya ng napaka habang panahon ng nagiisa at walang umaaruga sa kanya.
Naalala ko ang palaging sinasabi ng aking ina sa twing hihiga sya sa matigas na papag at magpapahinga, nakatingin sya sa kisame at sasabihin nyang " kelan kaya tayo magkakakroon ng sariling bahay"
isang hiling mula sa isang matandang babae na may sakit at syang dahilan kung bakit ako nabuhay at nagkaroon ng ganitong klaseng pagiisip, isang matandang babaeng may sakit na alam kong nagdaan sa napaka hirap ng sitwasyon at nagawang pagtapusin ng pagaaral ang nauna kong dalawang kapatid, isang matandang babae na may sakit na syang nagbigay sa akin ng pagasa na mangarap para sa pamilya.
sa isang sulok ng aking mga pangarap ay hindi kailanman naglalaho ang aking pagasang makapagtapos ng pagaaral dahil alam ko sa sarili ko na ang edukasyon ang susi sa pagunlad at ang pagunlad ay hindi magiging posible kung hindi ka tatanaw sa iyong likuran at babalikan ang mga taong naging dahilan kung bakit ka naging matagumpay.
ginawa ko ang "100k for mom in 305 days" upang aking maibahagi sa lahat kung paano ko tutuparin ang hiling ng aking ina. at akin ding ipapaskil dito sa "blog" na ito ang mga larawan ng bahay na aking pagsisikapang mabuo upang sa gayon ay matuwa ang aking ina at sa pagkakataong iyon matapos ko itong matupad ay maari nakong makapagipon para naman sa aking edukasyon. Sa bawat pagtanggap ko ng aking sahod ay sya kong tabi sa bangko upang malaanan ko ang bahay na iyon at hindi mapunta ang pera sa bagay na hindi ko naman kailangan, dito ko din isasaad kung paano ko lalabanan ang tukso na bumili o piliin ang mga bagay na aking gusto laban sa mga bagay na aking kailangan at akin ding ibabahagi ang hirap ng paglalaan at pagtatabi ng salapi dahil kailangan ko paring padalhan ang aking ina bukod pa sa salaping kailangan kong itabi sa bangko.
Inuulit ko, hindi ako naghahangad na makapag ipon ng saktong isandaang libo dahil alam kong ito'y may kalayuan sa reyalidad, ngunit sana'y kahit man lang malapit lapit sa isandaang libo ay ayus na.
Nagpapasalamat ako sa iyong oras na mabasa ang "blog" kong ito. hanggang sa muli :-)
Magsisimula akong magipon sa darating na ika 15 ng Hunyo taong kasalukuyan at umaasa ako na sa pagtatapos ng "blog" na ito ay nariyan ka parin at hindi magsawang sumubaybay.

Tuesday, May 17, 2011
Buhay Pusang gala (Unang Salaysay)
Kailan ba nagwawakas ang pagiging magulang ng isang magulang sa kanyang mga anak? at kailan din ba nagwawakas ang pagiging anak ng isang anak sa kanyang mga magulang? Ika'y aking tatanungin, kung ikaw ba'y walang asawa maaatim mo ba na makitang nagugutom ang pamilyang iyong pinanggalingan? o di kaya'y mawalan sila ng kuryente o maputulan ng tubig? kung ang mga magulang mo ba'y nasa huling bahagi na ng kanilang buhay kung saan ay hindi na nila kayang gumalaw upang maghanap-buhay ano ang iyong magiging aksyon?. Sa iyong pagtanggap ng iyong buwanang sahod at hinikayat ka ng iyong mga katrabaho o ng iyong mga kaibigang kumain sa isang mamahaling restoran at ikaw ay sumangayon at sa bawat subo mo ng pagkaing masarap naiisip mo ba kung may kinakain o kung nakakain na sila? Sa pag gasta mo sa mga bagay na hindi mo naman kailangan naiisip mo ba na malaking tulong na din sa kanila na sila'y mailabas mo man lang at maipasyal kahit paano? Sa iyong pagsunod sa pansariling mga luho nalalaman mo ba kung ano ang kanilang mga pansariling kahilingan na sa dahil na din sa kantandaan at kawalan ng lakas maghanap buhay ay hindi na nila makuhang matupad? kung ito'y simpleng mga bagay lamang gaya ng pagkakaroon ng maliit na telebisyon o pagkakaroon ng "air-conditioner" isa bang kalabisan sayo bilang anak na kahit paano'y mapagbigyan mo ang kahilingan ng mga taong naging dahilan kung bakit ka ngayon naririto at matagumpay sa iyong buhay?.
Kailan kaya natin maipaparamdam sa kanila ang pagmamahal na walang kapantay? kung kailang nasa hukay na sila? at huli na upang tayo ay bumawi sa kahit napakaliit na pamamaraan? hahayaan ba nating tayo'y magsisi sa habang buhay ng dahil lamang sa isang bagay na hindi natin nagawa dahil mas inuna natin ang sarili o ang ibang tao na hindi natin kadugo kaysa sa mga taong naging susi ng ating pagunlad?
Upang maintindihan nyo ang aking hangarin sa aking paglikha ng blog na ito'y dapat nyo munang maintindihan ang aking pinanggalingan at ang aking buhay. Matapos kong ilahad ang lahat lahat sa "buhay pusang gala" ay doon susunod ang " bahay bahay paano ka ginawa" kung saan ilalahad ko at ibabahagi sa inyong lahat kung bakit "100k for mom in 305 days" ang pamagat ng blog na ito at umaasa din ako na kahit paano'y mapagtanto ng kung sino mang makakabasa na kahit anu pa ang mangyari ang ating ina ay talaga nga namang nag iisa na hindi maaring palitan ng kung sino man at hindi din mapapantayan ang pagmamahal na ibinibigay nila sa atin. Sa isang banda ako ay naniniwala sa kabila ng tutol ng mga nakatatanda na isa paring responsibilidad ang tumulong sa magulang kung ikaw ay mayroong maitutulong.
----------*---------*---------*---------*---------*----------*---------*---------*---------*----------*---------*----------*----------
Habang binabagtas ko ang kahabaan ang "overpass" sa Quezon Avenue ay napaisip ako kung gaano kadaming tao sa Pilipinas ang nangangailangan ng trabaho upang matustusan ang kani-kanilang pangangailangan sa araw araw, sa isang banda masasabi ko na kahit paano ay maswerte na din ako dahil sa may maayos akong trabaho at sa kabutihang palad ay kumikita ako ng sapat upang aking mapunan ang aking gastusing pansarili at kasama dito ang gastusin ng aking ina na nasa probinsya.
Sabi ng nakakarami kapag daw ikaw ang panganay ay ikaw daw ang pinaka maswerte, dahil sa unang anak lahat na ata ng luho naibigay na sayo, at kapag naman daw ikaw ang pangalawa ang mga pinaglumaan ng panganay ay sayo mapupunta. Bunso ako sa tatlong magkakapatid at malayo-layo ang agwat namin ng kapatid kong pangalawa halos lagpas sa sampung taon, kaya madalas ako ang pinapagalitan dahilan na din siguro sa ako ay pilyo noon at madaming kalokohan. Maaga akong naulila sa ama at tandang tanda ko pa ng nakaburol ang aking tatay ay nagsidatingan ang aming mga kamag-anakan mula dito sa maynila kaiba sa ibang namatayan ako ay lubhang masaya noong mg panahong iyon dahil sa madami akong kalaro at madaming nagbibigay sa akin ng pera, ang sabi kasi ng nanay ko na natutulog lang daw ang tatay ko at pasasaan bay magigising din ito. Swerte ko na din dahil hindi ko naramdaman ang sakit ng mamatayan ng minamahal sa buhay lalu nat tatay ko pa ito ngunit ang kamalasan ko'y hindi ko man lang sya nakasama ng matagal at hindi man lang nya nakita na sabitan ako ng medalya noong "pre-school" kung saan nakamit ko ang pinaka mataas na gawad sa magaaral noong taong iyon.
Dahil mula bata si ate ko na ang nagpalaki sa akin, hindi ganoon kalapit ang aking loob sa aking mama dahil na di siguro sa kinakailangan nyang magtrabaho para sa aming tatlo, hindi ko sya madalas maramdaman sa bahay dahil palagi syang wala. Nakatapos ang kuya at ate ko sa kolehiyo samantalang ako'y nasa elementarya palang noon at dahil ang ate ko ang pinaka masinop at pinaka matalino sa aming tatlo ay sya ang nagumpisang tumulong sa pamilya habang ang kuya ko ay wala pang trabaho noon. Masasabi ko din na naging sobrang saya ng "childhood" ko sa aming probinsya dahil madami akong mga naging kaibigan na hanggang ngayon ay magkakaibigan parin kaming lahat, kaya ko siguro napabayaan ang iba kong "subjects" noon ay dahil sa paglalaro ng langit-lupa sa hapon pagkatapos ko sa eskwelahan. Ang baon ko non sa buong maghapon ay P10.00 at noong mga panahong iyon ay napakalaki na ng "value" ng perang ito, pamasahe ko balikan P4.00, sopas P2.00, coke P4.00 hahahaha ang mura pa noon!. May mga nakakalaro ako noon na lubhang nakakaangat sa buhay na talaga namang mababait dahil noong mga panahong yon ay aktibo na ako sa pagsali sa mga gawaing pang Simbahan, kumakanta kami bilang kauna-unahang Choir sa aming maliit na kapilya at aktibo din ako sa pagaaral noon ng katikismo at ng mga bagay na may kaugnayan sa Dyos.
Nang nag asawa na ang ate ko at ang kuya ko doon na nagsimula lahat ng mga pagsubok sa aming buhay, tumatanda na din kasi ang mama ko at sa totoo lang nahihirapan na din syang mag trabaho at sa tingin ko'y pinipilit lang nya upangmaitawid ang isang araw na hindi kami nagugutom. Simula bata palang ay tumitira kami sa lupang hindi namin pagaari pero hindi ko sinasabing "squatters" kami dahil ang lupang iyon ay pagaari ng tiyahin ng aking ina na sa tanday namatay na din at nagkademandahan sila sa lupaing iyon dahil pilit nilang sinasabi na inaangkin namin ito kahit hindi naman. Umalis kami doon gaya ng sabi ng ate ko at umupa kami sa tapat ng isang unibersidad sa aming lungsod, nagtayo kami ng maliit na karinderya na ang mama ko ang nangangasiwa ngunit sa kasamaang palad ay hindi nain ito nagawang iraos at sa huli kami ay napaalis din doon. Nasa unang antas ako sa kolehiyo ng mga panahong ito ng umalis ang aking pangalawang kapatid kasama ang kanyang asawa patungong ibang bansa upang doon magtrabaho sila man ay nakakaranas din ng kakapusan noon dahil sa may mga anak na din silang binubuhay. Lumipat kami sa bahay ng aking ate hindi kalayuan sa mismong bayan kung saan kami nag karinderya pero sa totoo lang umalis din kami dito dahil na din sa hindi pagkakasundo ng aking ina at ng aking bayaw.
Alam ko sa sarili ko na mabait ang aking ina, hindi naman ako naniniwala na may inang masama. Sa ngayoy 60+ na ang aking ina at sabi nga nila na kahit sinong matanda ay mahihirapang magbago ng paguugali dahil na din sa matanda na sila at mahirap paliwanangan, sa aking palagay ay hindi ko na kailangang sumahin pa sa blog na ito kung anu anung ugali na hindi maganda ang mayroon ang mama ko dahil sa aking paniniwala, kahit gaano pa ang naging kasalanan ng nya sa akin o sa aming tatlo hindi parin namin pwede palitan ang nagiisang babae na nagluwal sa amin at nagpalaki. Kitang kita ko din naman ang kayang paghihirap noon upang mabuhay lang kami dahil hindi malakas ang loob ng aking ama ay sya ang tumayong padre de familia at pinasok ang kung anu anong trabaho gaya ng pananahi, pagluluto at kung anu ano pa upang kumita lamang at mapagtapos ang kuya ko at ang ate ko at nagawa naman nya ito sa kanila.
Pag-alis namin sa bahay ng aking kapatid ay lumipat kami sa isang lumang bahay na may kaunting kalayuan sa bayan at ang upa sa bahay na ito ay mura lang gawa nga ng malayo ito sa pook pamilihan.
Sabi ng mga matatanda na kapag daw ang bahay ay hindi nasisikatan ng araw ang loob - Malas daw ito. Pero sa aking palagay siguro wala namang malas at swerte, nasa tao lang talaga ang kakapuntahan ng buhay nya. Napakadaming kamalasan at kabiguan ang nangyari sa aming mag ina dito sa bahay na ito at sa maniwala kayo't hindi? naranasan namin na maputulan ng ilaw at tubig ng tatlong buwan, mabuti na lamang at may poso sa likod bahay upang punan ang kawalan ng tubig na pangligo at pangluto. Nagaaral ako noon ngunit kailangan kong huminto kahit pa gustong gusto kong magtapos, dahil noong mg panahong ito ay sobrang aktibo na din ko sa eskwelahan bilang "officer" ng aming departamento at bilang isang "varsity player" aktibo din ako pagdating sa mga akademikong leksyon, at dahil na din siguro dito ay napapapayag ko ang akingmga guro na pakuhanin ako ng pagsusulit kahit hindi parin ao nakakabayad ng matrikula. pikit mata kong kinausap isa isa ang aking mga guro at umiiyak na ibina bahagi ang aking kwento na kailangan ko munang huminto upang tulungan ang aking ina na nooy nahihirapan na ding kumita dahil sa kanyang karamdaman.
Nagumpisa ako noon bilang isang "crew" sa isang "fast food chain" at tumagal ako ng 8 buwan at dahil maliit lang ang sahod ay napilitan akong mag apply bilang isang "clerk? sa isang "mall" sa amin.
Hinding hindi ko makakalimutan kung gaano kahirap lahat ang mga ito at aaminin kong hanggang ngayon kapag naiisip ko ay wari bang nararamdaman ko kung ano ang pakiramdam na matulog kang kandila lang ang tanglaw mo at may katabi kang pusa, ang pusa ko lang noon ng karamay ko sa lungkot na kahit wala syang pagkain hindi parin nya ko iniiwanan. Umuulan noon at kakatapos ko lang sa trabaho dahil sa ako sa mga "closing" crew at alam naman natin na kapag sinabing "closing" ang ibig sabihin ay ikaw ang maglilinis ng lahat lahat sa iyong istasyon. maglalampaso ka, magwawalis kasabay din dito nadapat magtugma ang "sales" mo noong araw na ito dahil kung hindi ay ikaw ang magaabono. Aalis na sana ako ng malaman ko na naiwan na pala ko ng sineserbis naming motorsiklo kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang maglakad dahil tutal ambon lang naman at hindi bagyo ang ulan nong gabing iyon, gamit ang pormal kong sapatos binagtas ko an kahabaan ng kalsadang mabato at sa aking paglalakad saka ko naiisip kung ano kaya ang aking magiging hakbang upang matapos na ang ganitong sitwasyon naming magina. Nasabi ko sa una na hindi kami malapit sa isat isa ngunit ng mga panahong ito ay nakilala ko ng lubos ang aking ina. Narating ko ang bahay na aming inuupahan matapos ang mahigit isang oras na paglalakad at sa pag bukas ko ng pintuan kailangan kong hanapin at kapain sa dilim ang kanila at ang posporo upang makita ko ang aking dadaanan papasok ng bahay. Naroon ang aking pusa na animo'y nagsasalitang bata na itinuturo kung saan ako dapat dumaan, dito ko narinig ang boses ng aking ina na nagtatanong kung ako daw ba'y may dalang pagkain dahil sa hindi pa daw sya naghahapunan, 2:30am na noon ang sabi ko'y wala dahil lahat ng mga pagkain sa "fast food" ay naibenta na kaya wala ng natitirang maaring ipauwi sa mga empleyado at ibawas sa sahod. Hindi nakaimik ang aking ina at natulog nalang pero ako man ay hindi parion naghahapunan dahil sa hirap ng trabaho ko natunawan nako agad nung kumain ako noong hapon na iyon, dali dali akong nagtungo sa aming kusina at gamit ang kandila may nakita akong isang supot na animoy malapit ng dagain sa tagal na nakaimbak sa kabinet - Harina, kumuha ako ng tubig at kaunting asukal at akin itong minasa animo'y gagawa ako ng pandesal at saka ko ito pinirito sa mantika, may nakita din akong kaunting kape at iyon ay aking tinimpla at saka ko kinatok ang aking ina dahil kakain na kami.
Pinagsaluhan namin ang isang tasang kape at yaong minasa ko na harina. Hindi ko maipinta ang mukha ng aking ina na wari mo'y nagiisip kung bakit kami dumating sa ganitong sitwasyon. bakit nga ba? kung madami naman sanang tumatangkilik sa kanyang negosyo bakit kami nawalan ng kuryente?
bumalik na sa sa kanyang silid at ako nama'y nahiga na sa sofa nagiisip ako kung paano ako kikilos upang matapos na lahat ng ito. Mataas ang mga pangarap ko sa buhay at hindi ako tipikal na taong nangangarap yumaman at magkaroon ng magarang kotse at kung anu ano pang materyal na mga bagay dadalawa lang ang bagay na nakikita kong dahilan ng aking mapagsisikap, una - Edukasyon dahil naniniwala ako maari kangmagkaroon ng halos lahat ng materyal na bagay sa mundo ngunit sa huli ay maari itong mawala o makuha sayo pero kung ikaw ay may edukasyon at nakapagtapos ka? tutulungan ka nito sa iyong buhay saan ka man mapadpad, pangalawa - Bahay para sa mama ko dahil alam ko na kung may sarili kaming bahay ay hindi na kami kailangan pang umupa dahil ang perang inuupa namin ay maaring maitabi na pang negosyo. Kinabukasan ay katapusan na ng aking kontrata sa aking trabaho ay lumipat ako sa isang "mall" bilang clerk sa pagkakatanda ko ay 18 taon ako noon. Nagtagal ako sa "mall" na iyon ng 3 buwan dahil sa naramdaman ko na wala ng kakahinatnan ang lahat kailangan ko ng makipagsapalaran sa maynila at bahala na ang Dyos kung anu man ang balak nya sa akin, basta ako? luluwas kahit anung mangyari upang subukan ang lumalagong industriya ng "call center". Isang lunes ay nagpaalam akong tutungo lang sa isang kaibigan sa kabilang ibayo ngunit lingid sa kaalaman ng aking ina ay luluwas nako ng Maynila noon bitbit ang isang dyaryo upang maghanap ng trabaho.
Para sa akin noon ay napaka ganda ng Maynila, ang daming magagarang sasakyan at matataas na gusali at ang mga tao dito'y lubhang magagaling dahil noon sa probinsya kapag sinabing taga Maynila ka ibang iba ang persepsyon ng mga tao sayo. Hindi ito ang unang pagkakataon na ako'y tutungo sa Maynila, ngunit ito ang unang pagkakataon na ang hangad ko ay trabaho at hindi ang mamasyal. Inaamin ko may kaunti akong nararamdamang takot dahil hindi naman ako ganoon kagaling pang mag ingles at hindi din ganoon kataas ang aking kumpyansa sa sarili, higit pa dito ay hindi ko naman kabisado ang Maynila, hindi ko alam kung paano ang kalakaran dito pagdating sa transportasyon at sa iba pang mga bagay.
Hawak ang isang dyaryo isa isa kong tinungo ang mga nakasulat dito na aking binilugan noong ako'y nasa probinsya pa lamang at karamihan sa mga ito'y hindi tumatanggap ng hindi tapos ng kolehiyo, naroong sinabihan ako na bumalik nalang dahil hindi daw isang biro ang magtrabaho sa Maynila sa edad kong labing walo. Nakaranas din ako ng paghintayin ng mahabang oras ngunit sa huli ay hindi pala ako kwalipikado, Hanggang sa nakakita ako ng trabaho sa may bandang ortigas sa may malaking gusali doon na mukang mamahalin ang pagkakagawa. Naalala ko pa noong mga araw na iyon tinanggap ko agad ang alok nila kahit na ito'y walang sahod at nabubuhay lamang ang mga taga doon sa komisyon kapag sila ay matagumpay na nakapagbenta, hindi ako dito tumagal dito dahil hindi din ako nakapag benta at naubos narin ang aking perang panggastos sa araw araw. Makaraan ng ilang linggo lamang ay umuwi ako sa amin at ganun parin ang sitwasyon. Dahil narin siguro sa pagsusumikap kong makaalis sa ganito kahirap na buhay ay pinilit ko ulit na makabalik ng Maynila upang maghanap nanaman ng trabaho at sa pagkakataong ito'y matagumpay akong natanggap sa isang kumpanya na may buwanang sahod kang matatamo. Dito ko na nabili ang mga bagay na gusto kong mabili na hindi ko magawang bilhin noon dahil na rin sa kahirapan namin, nailipat ko na din ng bahay ang aking ina kung saan mas maaliwalas at mas malapit ito sa bayan na pamilihan, simula noon ay Maynila na ang aking naging tahanan habang ang aking ina ay nasa probinsya at patuloy sa kanyang "catering" na alam naming tatlong anak nya na hindi kumikita dahil na din sa kawalan ng aking ina ng sapat na kaalaman sa tamang pangangasiwa ng negosyo, ang kaalamang iyon ay napunta sa aking pangalawang kapatid na syang itinuturing namin "breadwinner" dahil sa katipiran at pagka maalam sa tamang pangangasiwa ng negosyo at tamang paghawak at pagpapagalaw ng pera.
Dumating ang isa sa pinaka malaking dagok sa aking buhay kung saan kinakailangan kong mamili sa dalawang bagay na gusto kong makuha kaya ako nagsusumikap. Isang gabi nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking ina na sya daw ay nahihirapan ng huminga at animo'y parang nalulunod ang pakiramdam nya, noong una nagalit ako sapagkat sa aking akala ay gumagawa lamang ng kwento ang aking ina upang mas damihan ko pa ang perang aking pinapadala para sa kanya pero nagkaroon ang noon ng kutob na baka totoo ngang ganoon ang kayang kalagayan kaya't kinabukasan matapos ang aking trabaho'y dali dali akong napauwi sa amin at nagulat ako sa aking nakita.
Payat, natutuyo ang balat, ubo ng ubo, nahihirapan ng huminga. Ibang iba ang aking pakiramdam noong gabing iyon na wari ba'y napaka pabaya kong anak na hindi ko naisip na hindi lahat ng sinasabi ng aking inay hindi totoo. Wala na akong sinayang pang pagkakataon, hindi na din ako nakipag kwentuhan sa kanya, pinagbihis ko na sya at dinala sa isang pribadong ospital sa aming lungsod. Sa nakita ko kasi sa pampublikong ospital ay hindi naaasikaso ang kanilang mga nagiging pasyente at kadalasan ay napakadami pang pasyente doon na ang iba'y sa mismong pasilyo na natutulog na walang bentilador at may mga kamag anakan lang na nagpapaypay. Hindi ko inisip noon ang perang aking naipon dahil sa aking paniniwala ay maari't maari nating kitain ang pera ngunit hindi ang buhay ng ating minamahal. Makaraan ng ilang araw na pagsusuri ng mga doktor doon sa ospital na iyon at nalaman ko na ang aking ina ay mayroon "congestive heart failure" ang sakit na ito ay madalas nakukuha sa ating kinakain at kung ang ating puso ay walang sapat na ehersisyo. Lumalaki ang puso na aking ina at may tubig daw ang kanyang baga - parang ganito ang aking pagkakaintindi sa sinasabi sa akin ng duktor na sumuri sa kanya. Halos lagpas 5 klaseng gamot ang iniinom nya upang maiwasan ang pagbagsak ng kanyang katawan at ma mentina na gumagana ang kanyang puso na sabi din sa akin ng duktor ay sirang sira na. Mahirap din kasing maintindihan ang paguugali ng aking ina sapagkat lumaki sya na nakakariwasa sa buhay at hindi ganoon kasanay sa buhay na mahirap, pero ako? sanay ako sa buhay na mahirap, wala din akong kaarte arte sa katawan at sa buhay.
Ganoon parin ang aking naging gawi, sinusubukang makaipon hanggat kaya at sa sabay na pagkakatao'y nagpapadala ng pera para sa bahay ng aking ina, sa ilaw, at sa tubig. Hanggang sa nakatanggap ako ng alok mula sa isang kaibigan na magtrabaho sa ibang bansa bilang isang sekretarya sa isang bahay ampunan ng mga matatanda. Bakit kaya ang mga taong katulad ko'y napakabilis mabulag at mamangha kapag sinabing "ibang bansa" sa hirap ng buhay sa bansang ito hindi talaga maiiwasang halos lahat na ng mga may pinagaralan ay nangingibang bansa upang doon magsikap at maghanap buhay para sa pamilya. Isa lang naman ako sa milyong-milyong pilipino na patuloy nangangarap ng magandang buhay at kung maari lang hanggat bata pa ako at hanggat naririto pa ang aking ina ay gusto a ding marating ang pangarap ko na inaasam-asam.
Sa pagbibigay ko na paunang bayad ay lumuwag na ang aking loob, ito na ang hinihintay kong pagbabago na matagal ko na ding pinagdadasal. Ang kwento tungkol dito ay akin ng susumahin dahil lubhang mahaba ito kung akin pang idedetalye at isa pa ayoko na din sana itong balikan dahil sa twing naaalala ko ay naroroon ang pagsisisi at panghihinayang ko sa aking pagkakamali.
Ako po ay biktima ng isang "illegal recruiter" na aking pinagkatiwalaan ng mahigit sa dalawang taon ko sa kumpanyang aking pinasukan. Akala ko kasi noon na munit nakasama mo ng matagal ay hindi ka na nito maatimang gawan ng mali. Iba parin kasi ang tao pagdating sa pera lahat ginagawa, may nagnanakaw, may mga nangloloko na katulad nito at masaklap pa'y may kayang pumatay sa ngalan ng pera. Nakakulong na ang taong ito ngayon at dinidinig na ang kaso na hindi maaring pyansahan dahil higit sa lima ang kanyang nabiktima ang mga taong ito ay aking nilikom at kinausap isa isa upang ipamalita kung gaano kasama ang taong akala namin ay nagbibigay ng pagasa sa mga taong katulad namin na noon palay sya ding sisira sa pagasang iyon.
Minsan akin nalang ding naiisip na baka sa mga pagsubok na ito ay matunton ko ang hinahanap ko na makapagpapasaya sa akin at makapagpapaluwag ng aking kalooban, ngunit gaya ng isang pusang gala na walang patutunguhan ay maihahalintulad sa akin bilang isang ordinaryong mamamayan na ang tangi lamang kagustuhan ay ang guminhawa. -END

Subscribe to:
Posts (Atom)